Overtime

May dalawang klase ng "OT" sa mundo.
Overthinking. Madalas mo itong gawin, lalo na sa mga naisin mo. Lagi kang nababagabag sa mga posibilidad;bagay na may malaking epekto sa paglutas mo sa bawat suliranin na iyong haharapin. Ang pokus mo ay nasa maliit na problema, at hindi sa malawak na larawan ng sitwasyon.
Overtime. Ito naman ay madalas ginagawa sa iyong trabaho, na siyang ikinabubuhay mo.
Oo, doble kung tayo ay mag-OT. Minsan ginagawa na lang natin ang dalawang ito bilang pampalipas oras. Siyempre mas mainam nang gawin ang pag-Overtime, bukod sa nalibang ka na, may extra na kita ka pa. 'Yun nga lang hindi lahat ng gumagawa ng "Overtime" ay nasusuklian;maswerte ka na nga kapag may makapansin sa angkin mong kasipagan. Parang pag-ibig, na kahit anong OT pa ang gawin mo, kung hindi naman niya plano na palitan ang pagmamahal na ibinibigay mo, sayang lang din ang emosyon mo. Bukod sa napagod ka na, nasaktan ka pa. Doble ang balik 'di ba? Pero sa kabila nang hindi niya pagbigay pansin sa mga OT mo, mas mahalaga pa rin na alam mo kung ano ang dahilan ng pag-OwTi mo--at iyon ay hindi para maglibang lamang, kundi ang magbigay ng kung ano ang may sobra ka. Marahil mapapaisip ka dito sa aking likha, sinasabi ko sayo, hindi ko rin alam ang dahilan kung paano o bakit ko naisagawa ang salaysay na ito, dahil tulad mo, kauuwi ko lang din galing sa trabaho.
OTot for tonight.
https://igotbadguts.wordpress.com/

Comments

Popular Posts