HALALAN: Pera pera lang?!

PAGBOTO ay karapatan mo.
IBOTO ang kandidatong may nagawa at magagawa hindi lang para sa katulad mo kundi para din sa ibang tao. Serbisyong para sa Bayan, sa nakararami at hindi sa iilan. hindi yung kailangan pang ipangalandakan yung nagawa nila o proyektong naisagawa para lang mapuri't mapalakpakan (mga "banner" na malaki pa ung litrato nila kaysa sa proyektong isinagawa).
BUMOTO hindi dahil scholar ka ni Mayor/Congressman/Governor o sa madaling salita ay dahil sa "utang na loob" mo sakanya/sakanila. Makkaroon ka ng prinsipyo.
Huwag kang magpapadala sa "sobreng" maghahatid sayo sa panandaliang aliw o kasiyahan, mag-isip ka para sa serbisyong pangmatagalan. Pero sige, kapag may nag-abot, maaari mong tanggapin ito ( baka kasi hindi naman siguro sa sariling bulsa nila nanggaling 'yun e, palagay mo?hindi ka mapalagay?) pero sana alam pa din ng KUNSENSIYA mo kung sino talaga ang TAMANG IBOTO.
Ang pagbabago ay hindi lang nasa "kanilang kamay"; bagkus nasa ating desisyon(mga botante)
magsisimula ito sa ating sarili, hindi dapat tayo manatili sa maling sistema dahil sa ito'y nakagisnan mo na, kundi MANINDIGAN ka at ipahayag kung ano ang TAMA at DAPAT!
TANDAAN: Ang Pulitika ay maganda at malinis, sadyang may iilan lamang na natutukso kung kaya't nakagagawa sila ng hindi tama.
Ito ang Hamon ko sa lahat ng mga Botante, higit, sa lahat ang mga KABATAAN:
Handa ka ba at kaya mo bang maging kaisa upang Baguhin ang Maling Sistema o kakainin ka na lang nito?
HUWAG KANG MUKHANG PERA!
(photo credits: http://www.filipinostarnews.net/editorial/vote-buying-makes-a-mockery-of-democracy.html)

Comments

Popular Posts